![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjCDeomrIJo-S_0GBKxMTdJ45zdHRpQ8nwRRvRiryIly_wUx9FpXo3eR6V-bwHbM7betGe7D-TTn6_vUnkf518WKf3vGDWLSiyEG8u0gRCyG4FoeS2BGBnLPBhhZk41GYxSpj_wzDif2PI/s320/sc00006b5d+copy.jpg)
Wednesday, July 30, 2008
Tuesday, July 29, 2008
Friday, July 18, 2008
Monday, July 14, 2008
Saturday, July 12, 2008
Friday, July 11, 2008
Wednesday, July 9, 2008
Tuesday, July 8, 2008
DIREKTOR JOWEE MOREL,PROUD SA KANYANG OBRA!
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjg_XQkyfAtZRYcKUXqZ1Ix_-C3HTC3pAiZtwG0s34NhQBx02qmElQ1QrcCCSAFMFhUzFsb81_BCd6Z2t-OOU_znSBP2d95DLG_GW3iGFVRmyLvM-zxVUwMeGCYQjvLxdi8rP4AskcT7QU/s400/jowee+morel+2.jpg)
By: Boy Villasanta
Labels:
Bong de Leon,
jowee morel,
Latak,
Marc Jacob,
Mercedes Cabral
Friday, July 4, 2008
BEAUTY SHOP NG KAPATID NI RICKY REYES, DINADASALAN NI DIDITH DUMAMI ANG KUSTOMER; JANICE, UMALIS
![](http://www.pep.ph/images/news/0dff046b6.jpg)
By: Boy Villasanta
Noong una, si Didith Reyes, nagtuturo siya ng personality development sa mga tauhan ng beauty saloon pero nagkaroon ng diprensiya ang kanyang balakang, nagtungkod siya at nahirapan na siyang magmanhik-manaog sa gusali ni Reyes, kaya itinagala na lang siya bilang tagatanggap ng mga kliyente at customer sa pagupitan. “Pinagdarasal ko na dumami ang mga customer namin, dumami talaga. Naku, umaapaw talaga, “wika ni Didith.
Suportado ako ng Boss ko,” pahayag ni Didith na ang ibig sabihin ay si Les. “wala naman akong masyadong ginagawa. Ganito lang. basa lang ako nang basa ng mga magasin sa isang tabi. Tapos, nag-i-entertain ng mga guest,” pahayag ni Didith. Alas dose ng tanghali hanggang alas siyete ng gabi ang kanyang pasok ay umuuwi siya sa kanyang inuupahang maliit na silid sa may tindahan sa Project 2. Simple lang ang buhay ni Didith Reyes. Dumalaw sa kanya ang anak na si Arvy Reyes, ang guwapo at kaisa-isa niyang anak na naging katiwala ni Imilda Papin noon sa recording studeo ng tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress. Sa mga karinderya sa may labasan at pali-paligid ng St.Josept Parish Church ang kainan at marami nang kaibigan si Didith doon. Naitanong namin kay Didith kung totoo ang balita na sinabi ni Imelda Papin na hindi siya umalis sa showbiz ay walang Imelda Papin dahil pareho ang estilo ng kanilang pagkanta.
“Naku, hindi naman. Iba si Imelda Papin. Iba ako. May sariling puwesto sa showbiz si Emilda,” sabi ni Reyes.
Balak nang ibalik ni Didith ang kanyang pagkanta at hindi na ang mga tulad ng Nananabik, Bakit ako mahihiya? O Araw-araw, Gabi-gabi, ang kanyang babanatan kundi mga jazz music na. “ Hindi naman talaga ako sa tagalog songs nasanay. Jazz ang simula ko. Idol ko sina at iba pang jazz singer,” kuwento ni Didith na kaya pala napapagkamalan na may tama o parang loka-loka ay dahil gano’n din siyang magsalita sa tunay na buhay- buhay na buhay, masayahin at sinasabi kung ano ang kanyang nasasa-isip na para siyang laging mataas ang diwa. Nag-usap na sila ni direktor Jowee Morel na isa ring singer at tutulungan siya ng lumikha ng pelikulang “Latak” ng Outline Films. Samantala, nagtatrabaho na dati ang tauhan ni Les si Janice Jurado sa sangay ng Haircutters sa may Camp karingal pero umalis na rito ang dating seksing actress.
“ Naku, hindi po namin alam kung ano ang dahilan ng pag-alis niya,” pahayag ni Alex na isa sa mga head staff ng beauty shop.
Thursday, July 3, 2008
Tuesday, July 1, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)