Tuesday, July 8, 2008

DIREKTOR JOWEE MOREL,PROUD SA KANYANG OBRA!


By: Boy Villasanta

Kahit naseseksihan si Dong. Mula sa angkan ng mga military si Dantes. Tapos na ang post-production ng “LATAK” ng Outline Digital Films at handang-handa na si direktor Jowee Morel na ipamahagi ito sa lahat ng sulok ng Mundo. “I am proud of my creation. Kahit na may gay love ito, puwede rin ang pelikula sa heterosexual population. I hope I can get an R-13 Classification from the Movie and Television Review and Classification Board,” pahayag ni Jowee Morel. Nais din ni Morel na matanggap sa mga international film festival ang kanyang obra. Naiintriga nga ang peryodistang pampelikula na si Bong de Leon kung si Marc Jacob daw ba ay may relasyon kay Jowee? Naku, wala, huh! Artista lang si Marc Jacob sa Outline bagamat sa bahay ni Morel siya nakatira. “Boarder siya sa house ko pero we are just pure artists. No strings attached. Magagalit si Mercedes Cabral,” pahayag ni Jowee sabay tawa nang malakas.

Friday, July 4, 2008

BEAUTY SHOP NG KAPATID NI RICKY REYES, DINADASALAN NI DIDITH DUMAMI ANG KUSTOMER; JANICE, UMALIS



By: Boy Villasanta

Dalawang beteranang actress ang kinupkop ng kapatid ni Ricky Reyes na si Les Reyes sa kanyang Reyes Haircutters sa kanto ng Anonas Street at Aurora Boulevard sa Quezon City. Sila ay ang mahusay na mang-aawit at actress na si Didith Reyes at ang magaling na actress at komedyana na si Janice Jurado. Mula nang makipaghiwalay si Didith sa kanyang ikalawang kinasamang lalaki sa BiƱan,laguna dahil sa pambubugbog sa kanya at mula nang magpagaling si Janice sa kanyang cancer sa dibdib, inampon na sila ni Les.
Noong una, si Didith Reyes, nagtuturo siya ng personality development sa mga tauhan ng beauty saloon pero nagkaroon ng diprensiya ang kanyang balakang, nagtungkod siya at nahirapan na siyang magmanhik-manaog sa gusali ni Reyes, kaya itinagala na lang siya bilang tagatanggap ng mga kliyente at customer sa pagupitan. “Pinagdarasal ko na dumami ang mga customer namin, dumami talaga. Naku, umaapaw talaga, “wika ni Didith.
Suportado ako ng Boss ko,” pahayag ni Didith na ang ibig sabihin ay si Les. “wala naman akong masyadong ginagawa. Ganito lang. basa lang ako nang basa ng mga magasin sa isang tabi. Tapos, nag-i-entertain ng mga guest,” pahayag ni Didith. Alas dose ng tanghali hanggang alas siyete ng gabi ang kanyang pasok ay umuuwi siya sa kanyang inuupahang maliit na silid sa may tindahan sa Project 2. Simple lang ang buhay ni Didith Reyes. Dumalaw sa kanya ang anak na si Arvy Reyes, ang guwapo at kaisa-isa niyang anak na naging katiwala ni Imilda Papin noon sa recording studeo ng tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress. Sa mga karinderya sa may labasan at pali-paligid ng St.Josept Parish Church ang kainan at marami nang kaibigan si Didith doon. Naitanong namin kay Didith kung totoo ang balita na sinabi ni Imelda Papin na hindi siya umalis sa showbiz ay walang Imelda Papin dahil pareho ang estilo ng kanilang pagkanta.
“Naku, hindi naman. Iba si Imelda Papin. Iba ako. May sariling puwesto sa showbiz si Emilda,” sabi ni Reyes.
Balak nang ibalik ni Didith ang kanyang pagkanta at hindi na ang mga tulad ng Nananabik, Bakit ako mahihiya? O Araw-araw, Gabi-gabi, ang kanyang babanatan kundi mga jazz music na. “ Hindi naman talaga ako sa tagalog songs nasanay. Jazz ang simula ko. Idol ko sina at iba pang jazz singer,” kuwento ni Didith na kaya pala napapagkamalan na may tama o parang loka-loka ay dahil gano’n din siyang magsalita sa tunay na buhay- buhay na buhay, masayahin at sinasabi kung ano ang kanyang nasasa-isip na para siyang laging mataas ang diwa. Nag-usap na sila ni direktor Jowee Morel na isa ring singer at tutulungan siya ng lumikha ng pelikulang “Latak” ng Outline Films. Samantala, nagtatrabaho na dati ang tauhan ni Les si Janice Jurado sa sangay ng Haircutters sa may Camp karingal pero umalis na rito ang dating seksing actress.
“ Naku, hindi po namin alam kung ano ang dahilan ng pag-alis niya,” pahayag ni Alex na isa sa mga head staff ng beauty shop.