Sunday, June 22, 2008

DIREKTOR JOWEE MOREL, HINAHAMON ANG MTRCB



By: Boy Villasanta

Hindi lubos-maisip ni director Jowee Morel na na-X ang pelikulang “Serbis” ni Brillante Mendoza. “Kahit hindi ko pa napapanood ang pelikula, may premise na siya at sa isang bansang Malaya, nakakapagtaka na masi-sensor ang pelikulang yon,” pahayag ni Jowee Morel.
Una’y hindi puwedeng ipalabas ang “Serbis” sa pilipinas bagama't napanood na ito buong mundo sa ika – 16 sa Cannes France. Pero bakit hindi puwedeng ipamalas sa mamamayang Filipino?
Dahil ang mga batas sa sensura ay kultural. Mababa pa ang antas ng kamalayan ng mga pinoy sa usapin ng sex lalo na’t ang pananaw ay maiskandalo at konserbatibo. Bagama’t nakausad na ang makabagong pamumuhay, ang panlasa ng estado na nangangalaga sa kaayusan ng lipunan para umano sa interest ng mga bumubuo nito- o para sa naghaharing-uri na kumukontrol ng direksyon ng isip at puso ng bawat indibidwal. Pinaputulan ng Movie and Television Review and Classification Board ang pelikula na may mga katutul-tutol na eksena tulad ng pumping scene ni Coco Martin kay Mercedes Cabral, ang pagtsupa ni Julia Taylor kay Kristofer King at ang pagblow job ng isang tinaguriang serbis na lalaki sa isang matandang bakla. Kaya ngayon ay R- 18 na ang pelikula at mapapanood na sa ika – 25 ng Hunyo.
Gayunman, nanggagalaiti pa rin si Jowee Morel. “Sana naman ay pabigyan ng MTRCB ang mga artists. Hindi naman ibig sabihin na may mga sex scenes ay kailangan nang putulan o hindi na maipapalabas ang isang pelikula. “Kung may strong vision ang pelikula at may artistic merit, sana naman ay maging understanding ang censors. In that sense, uunlad ang pelikulang Pilipino.
“Gumagasto ang production para maka – achieve ng isang pelikula na may sense at logic kahit na sa paningin ng censors ay makakasira ito sa mga tao. Contextual dapat ang paningin sa mga eksena at hindi ‘yong hiwa-hiwalay na ibig sabihin,” paliwanag ni Jowee.
Naghahamon ang tono ni Morel. Lalabas na ang kanyang pelikulang “LATAK” at naghihintay na siya ng pasya ng MTRCB tungkol dito.
“Of course, gusto kong mapanood ng kapwa ko Filipino ang aking pelikula. Gusto kong i- share ang mga insights ko tungkol sa buhay. Ang “LATAK” ay tungkol sa drug withdrawal ng isang drug addicted young advertising director who is gay. ‘Yan, dito malalaman kung ano nga kaya ang stand ng censors sa ganitong presentation. But I made it a point na maging very open sa lahat ng audience,” sabi ni Jowee na naging kontrobersyal nang katayin ng MTRCB ang kanyang unang pelikula, “ Mga Paru-parong Rosas.” Bagamat na X ito ay nabili naman ng Videoflicks at naipalabas sa 2007 London International film festival sa UK.
Tampok sa pelikula sina Marc Jacob, Mercedes cabral, Zach Urdaneta, Chanel Latorre, Geraldine Tan, Pia Millado, Tia Pusit, Dan Alvaro, JJ Jimenez, sheena at marami pang iba.

Friday, June 20, 2008

"SERBIS,"MAY PROBLEMA SA MTRCB, SA JUNE 25 PA MAPAPANOOD

JOWEE MOREL, EPITOME NG INDIE FILMMAKER!


By: Art Tapalla

Last shooting day ng pelikulang “LATAK” na sinulat at dinirehe ng isang masigasig na indie filmmaker na si Jowee Morel. Inimbitahan tayo ni katotong Boy Villasanta na dumalaw sa set nito. Kaya nu’ng lingo hunyo 8, bago mag-alas dose ay binabagtas ko na ang daan patungong Number 27, Valentine Street, Merville Park, ParaƱaque City. Nagulat ako sa aking dinatnan. Ang dating garahe ay ginawang tila bodega. Aba, merong catering with matching fountain ng pineapple juice! Habang sa isang tabi’y nakatuon sa paglalagare ang isang karpintero. Pagpasok ko, merong mini-make-up-an na isang dilag. Agad kong tinanong kung nasaan si direk Jowee Morel. “Nag-ti-take lang sandali. Maupo po kayo,” sabi nu’ng isang girl habang inilipat niya ang mga damit ng nakasalansan sa isang upuan.
Hinagilap ko ang isang upuan na tipikal gawang Baguio, disenyo ng palad ng tao at doon ako naupo. Mula sa aking kina-uupuan, nag-suot ng kanyang damit na tila costume ‘yung babaeng minik-up-an, meron siyang ipinaki-usap na ilipat ang pagkakatali sa isang lalake na nakasando’t short na tila artistahin ang hitsura. Maya-maya’y, iniluwa ng black backing ang merong apat na katao sa isa na roon si Direk Jowee Morel, at agad niyang binati ang dalawang kakilala. Matapos kong magpakilala, in-offer ako ni direk ng lunch o kung ano man ang gusto kong inumin. At bago ako nag-lunch, ipinakita sa akin ni direk Jowee ang kanyang trailer.
At habang sumusubo ako tsinika ko si direk Jowee Morel. Sa rami ng palitan namin ng salita, napakalinaw sa aking sagimsim ng mga katagang “For the Love of it. I just love doing film,” walang kurap niyang sambit habang kumikislap ang kanyang dalawang mata. Sa tanong kung bakit siya gumagawa ng pelikula?
Noon ko pa naririnig na talagang kulang sa budget ang pelikulang “LATAK”. Ayon nga kay katotong Boy Villasanta, ang mga artista nila sa“LATAK” ay hindi lang mga artista sa harap ng camera. Nagiging staff sila, nagiging crew, nagiging art department staff, nagiging set man at kung anu-ano pang gawain na pwede nilang gawin para lang sa ikapapanuto ng pelikula. Siyam hanggang walong sequence pa ang bubunuin ni Jowee nu’ng mga oras na yon. Matapos kong mapanood ang trailer, feeling ko nakapanood ako ng Hollywood trailer. Ang ganda texture niya. At ang photography ay bago at kapansin-pansin ang ka seksihan ni “Andrew Locsin”, na halaw sa kanyang buhay ang “LATAK” na ginampanan ni Marc Jacob.
Imagine, ang buong bahay ni Jowee ay ginawa niyang buong set ng kanyang pelikula!?
“Meron pa akong last sequence na kukunan ko sa harapan ng Metropilitan Theater, sa Lawton, para ipakita ko ang other side of Manila. Tama na sa mga squatter scene,” sabi ni direk Jowee.
Wow, sa totoo lang masasabing si Jowee Morel ang epitome ng isang inpendent filmmaker.

Tuesday, June 10, 2008

"LATAK" NI JOWEE MOREL, BAKA MA R-18 NG MTRCB

By: Boy Villasanta

Hunyo 8, last shooting day ng indie film, “LATAK”. Ang kontrobersyal na director na si Jowee Morel na taga Bohol, ang director. Ang pelikula ay “Residue” sa English. Istorya ito ng isang gay drug dependent na nang magpasyang iwan ang bisyo ay saka naman siya dinadalaw ng mga pangitain na gusto niyang kalimutan. Ang ganitong klase ng pelikula ay mahirap gawin dahil naglalaro sa utak ng main character ang mga eksena sa buhay niya. Ayon kay Morel, posibleng ilahok nila ito sa isang gay lesbian film festival. Pero hindi ito primarily a gay movie porke may bakla at tomboy na karakter sa pelikula. Kung paano malalabanan ng major character ang demons sa katawan niya ang esensiya ng istorya. Kung paano ilalahad ng magaling na director ang katotohanan ng buhay ay isang hamon sa kanyang kakayahan. Halimbawa, paano tatanggapin ng madla ang isang eksena kung saan ang isang batang lalake ay pinagsamantalahan ng isang pari?
“But this happens in real life at puwedeng sabihin ko kung sino ang pinagsamantalahan at kung sino yung pari. Kaya lang, matanda ng ngayon si father…,” sabi ni Jowee Morel.
Maganda at kapanapanabik ang bawat eksena ng pelikulang ito na tinatayang maging grade ng MTRCB ay “R-18” o Restricted – 18 years and above only” ang makakapanuod. “ kung hindi R – 18, definitely X ang rating nito,” sabi pa ni direk. Ang mga artista niya ay puro mga baguhan at hindi gaanong kilala ng karamihan, ay isang grupo ng mga pursigidong actor at actress. Para silang mga neophytes na propesyonal na sa kanilang sining. Sila ay sina Marc Jacob, Mercedes Cabral, Zach Urdaneta, Channel Latorre at Pia Millado. Sa kanilang lima, si Mercedes ang may malakilaki ng karanasan. Tampok din siya sa “Serbis” ni Dante Mendoza at kararating lang niya mula sa Cannes Film Festival kung saan naranasan niyang maglakad sa Red Carpet at nang piliin sa Internet ang pinakamaganda sa twenty Celebrities na naglakad doon, siya ang napili. “Hindi ko talaga ma-imagine na ako ang nanalo sa piliang iyon ng audience voters. Names like Penelope Cruz, Jane Fonda, faye Dunaway, nandun. Parang hindi ako makapaniwala,” sabi ni Mercedes. Naka-schedule ang pagpapalabas ng “LATAK” sa July 28, sa CCP. Kaya ngayon pa lang, I underscore na petsang iyan.