![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg9cFeGgG0K0V09gRHpqTXqG_lEV0drblabjiBajK7-4fBADNYLpWkJsl-KtDrL3MKcLWyccKBuPYYeHh5CQ5s8XePr5rfkFLf8oDG7weuOvQ78oQAfGj-9SHVNGdLtnEmm_t2QTWL58qM/s400/strictly+con+copy+1.jpg)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg6u99M7Jj6VI2RpYIM1t8EJ-xR23njXW2k_IHDe60QBwU_ba1gF4xZryaEGFyFEXcBeSbOWnnyjkSZGLW79E342HGtZsP0AJNZ12FhAQJJ7shkfj8rMIoKeQ4tqqc25So0TMcnG5esXQc/s400/Jowee+Morel+flirk+copy.jpg)
Sa trailer kasi ay nagsasalita (Voice Over) si Dr.Lito Dela Merced, ang tagapagtatag ng Ginoong Filipinas,ang timpalak ng pagtuklas sa mga lalaki ng puwedeng tawaging “Beauty King.” Ang sabi ni Dela Merced ay “sa Pilipinas, ang kauna-unahang sex experience ng isang lalaki ay sa bakla.” Hindi ito nagugustuhan ng mga lalaking estudyante ng UP na nakapanood ng trailer.
Ayon kay Lauzon, hindi matanggap ng mga taga-UP na ang kauna-unahang sexual relation ng isang lalaki ay bading.
Maghahain umano ng pormal na reklamo ang mga lalaking taga-UP kaugnay sa sinabi ni Dela Merced sa trailer ng pelikula. “Ako, hindi na ako nag-iisip kung anu-ano ang sasabihin ng mga tao sa pelikula ko. I just made it to help disseminate information about the HIV. Kasi, prevalent na ang HIV dahil nga sa promiscuity. “Sana, ma-practice natin ang monogamy at nang huwag nang kumalat pa ang HIV,” pahayag ni Jowee Morel.
Nakahanda na ang pagtatanghal ng premiere showing nito sa ika-16 ng Pebrero, 2009 sa ganap na ika-6:30 ng gabi, May poetry reading ng mga gay literature at ang isa sa mga pangunahing tula at prosa na babasahin ay ang mga likha ni Joey Arrogante, kilala rin sa tawag na Dr.Jose A. arrogante, nagtapos ng kanyang AB literature sa UST Faculty of Arts and letters at ng kanyang doctoral sa PNU. Susulat din ng tula ang inyong lingkod at ang isa pang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas.