By: Boy Villasanta
Maraming tao ang nagandahan sa pelikula tungkol sa isang batambatang TV Commercial director na si Andrew Locsin na nalulong sa droga at may ka-live na lalaki. Inaatake ng duda si Andrew sa katapatan ng mga tao sa kanyang paligid. Itinampok sa pelikula sina Channel Latorre, Zach Urdaneta, Mercedes Cabral, Marc Jacob, Pia Millado, Tia Pusit, Ram Galura, Geraldine Tan, Nash Mojica, Julia Taylor at marami pang iba. Ikalawang pagtatanghal na ito sa UP Cine Adarna at kung una ay sa pakikipagtulungan ng Outline Films sa UP Cast, ngayon naman ay nakipag-ugnayan ito sa Up College of Social Work and Community Development Administrative Staff Consumers Cooperative na pinangungunahan ni Rosita Zamora.
Dumalo sina Julio Diaz, Carla Varga, Mario ‘O Hara, Chito P. Alcid, manunuri ng Pelikulang Pilipino Dr. Roland Tolentino, Archie de Calma, Noel Malonga, James Caparas, Zaldy Rolex, chanel Latorre, Mercedes Cabral, Marc Jacob, Jowee Morel, Lyn Madrigal, Art Tapalla, Dan Alvaro, Ricky Mansueto at ang director na si Benjie Garcia. Ayon kay Mario, wala siyang masabi sa pelikula. Sa umpukan, naghuntanan sila ng mga kaharap. “Gano’n na ba talaga ang pelikula ngayon?” napapahalakhak na pahayag ni O’ Hara, ang gumawa ng mga premyadong pelikulang “Sisa,” “Babae sa Breakwater,” “Tatlong taong walang Diyos,” “Mortal” at marami pang iba bilang direktor at ng “Insiang” bilang scriptwriter. Sinabi ni O’ Hara na marami nang teknikal na kaalaman ang mga kabataang Filmmaker ngayon na nakakabigla para sa kanya. “Ganyan na talaga. Parang nakakahilo ang dating ng mga pelikula tulad ng “Serbis” namin nina Dante Menzado pero ‘yon ang style,”sabat ni Julio.
Puring-puri ni Art ang pelikula at ayon sa kanya, ang malalim na instrukturang ginaymay ni Morel ang siyang nakakapagpaiba sa pelikula sa hanay ng mga obrang tulad nito. Hangang-hanga si Tapalla sa maganda ng kulay at ilaw ng pelikula. Para sa kanya ay nakakaangat si Jowee sa aspetong ito ng produksyon. (Hindi lang ‘yon, ang ganda ng them song. Tipong klasikong pop. Ed) Ang susunod na pagtatanghal ng mga pelikula ni Morel ay itinakda naman sa UP Videotheque sa isa itong retrospective. “Di ba, sa Pilipinas, ang retrospective, pag matagal na ang direktor. Sa UP, iba. Bibigyan namin ng retro ni Jowee at ipapalabas ang lahat ng kanyang pelikula,” pahayag ng isa sa mga kasapi ng Young Critics Circle na si Nonoy Lauzon.
No comments:
Post a Comment