By: Art Tapalla
Hinagilap ko ang isang upuan na tipikal gawang Baguio, disenyo ng palad ng tao at doon ako naupo. Mula sa aking kina-uupuan, nag-suot ng kanyang damit na tila costume ‘yung babaeng minik-up-an, meron siyang ipinaki-usap na ilipat ang pagkakatali sa isang lalake na nakasando’t short na tila artistahin ang hitsura. Maya-maya’y, iniluwa ng black backing ang merong apat na katao sa isa na roon si Direk Jowee Morel, at agad niyang binati ang dalawang kakilala. Matapos kong magpakilala, in-offer ako ni direk ng lunch o kung ano man ang gusto kong inumin. At bago ako nag-lunch, ipinakita sa akin ni direk Jowee ang kanyang trailer.
At habang sumusubo ako tsinika ko si direk Jowee Morel. Sa rami ng palitan namin ng salita, napakalinaw sa aking sagimsim ng mga katagang “For the Love of it. I just love doing film,” walang kurap niyang sambit habang kumikislap ang kanyang dalawang mata. Sa tanong kung bakit siya gumagawa ng pelikula?
Noon ko pa naririnig na talagang kulang sa budget ang pelikulang “LATAK”. Ayon nga kay katotong Boy Villasanta, ang mga artista nila sa“LATAK” ay hindi lang mga artista sa harap ng camera. Nagiging staff sila, nagiging crew, nagiging art department staff, nagiging set man at kung anu-ano pang gawain na pwede nilang gawin para lang sa ikapapanuto ng pelikula. Siyam hanggang walong sequence pa ang bubunuin ni Jowee nu’ng mga oras na yon. Matapos kong mapanood ang trailer, feeling ko nakapanood ako ng Hollywood trailer. Ang ganda texture niya. At ang photography ay bago at kapansin-pansin ang ka seksihan ni “Andrew Locsin”, na halaw sa kanyang buhay ang “LATAK” na ginampanan ni Marc Jacob.
Imagine, ang buong bahay ni Jowee ay ginawa niyang buong set ng kanyang pelikula!?
“Meron pa akong last sequence na kukunan ko sa harapan ng Metropilitan Theater, sa Lawton, para ipakita ko ang other side of Manila. Tama na sa mga squatter scene,” sabi ni direk Jowee.
Wow, sa totoo lang masasabing si Jowee Morel ang epitome ng isang inpendent filmmaker.
No comments:
Post a Comment