Tuesday, June 10, 2008

"LATAK" NI JOWEE MOREL, BAKA MA R-18 NG MTRCB

By: Boy Villasanta

Hunyo 8, last shooting day ng indie film, “LATAK”. Ang kontrobersyal na director na si Jowee Morel na taga Bohol, ang director. Ang pelikula ay “Residue” sa English. Istorya ito ng isang gay drug dependent na nang magpasyang iwan ang bisyo ay saka naman siya dinadalaw ng mga pangitain na gusto niyang kalimutan. Ang ganitong klase ng pelikula ay mahirap gawin dahil naglalaro sa utak ng main character ang mga eksena sa buhay niya. Ayon kay Morel, posibleng ilahok nila ito sa isang gay lesbian film festival. Pero hindi ito primarily a gay movie porke may bakla at tomboy na karakter sa pelikula. Kung paano malalabanan ng major character ang demons sa katawan niya ang esensiya ng istorya. Kung paano ilalahad ng magaling na director ang katotohanan ng buhay ay isang hamon sa kanyang kakayahan. Halimbawa, paano tatanggapin ng madla ang isang eksena kung saan ang isang batang lalake ay pinagsamantalahan ng isang pari?
“But this happens in real life at puwedeng sabihin ko kung sino ang pinagsamantalahan at kung sino yung pari. Kaya lang, matanda ng ngayon si father…,” sabi ni Jowee Morel.
Maganda at kapanapanabik ang bawat eksena ng pelikulang ito na tinatayang maging grade ng MTRCB ay “R-18” o Restricted – 18 years and above only” ang makakapanuod. “ kung hindi R – 18, definitely X ang rating nito,” sabi pa ni direk. Ang mga artista niya ay puro mga baguhan at hindi gaanong kilala ng karamihan, ay isang grupo ng mga pursigidong actor at actress. Para silang mga neophytes na propesyonal na sa kanilang sining. Sila ay sina Marc Jacob, Mercedes Cabral, Zach Urdaneta, Channel Latorre at Pia Millado. Sa kanilang lima, si Mercedes ang may malakilaki ng karanasan. Tampok din siya sa “Serbis” ni Dante Mendoza at kararating lang niya mula sa Cannes Film Festival kung saan naranasan niyang maglakad sa Red Carpet at nang piliin sa Internet ang pinakamaganda sa twenty Celebrities na naglakad doon, siya ang napili. “Hindi ko talaga ma-imagine na ako ang nanalo sa piliang iyon ng audience voters. Names like Penelope Cruz, Jane Fonda, faye Dunaway, nandun. Parang hindi ako makapaniwala,” sabi ni Mercedes. Naka-schedule ang pagpapalabas ng “LATAK” sa July 28, sa CCP. Kaya ngayon pa lang, I underscore na petsang iyan.

No comments:

Post a Comment