![](http://farm5.static.flickr.com/4024/4220199708_1570fc83f4.jpg)
By: Boy Villasanta
Una’y hindi puwedeng ipalabas ang “Serbis” sa pilipinas bagama't napanood na ito buong mundo sa ika – 16 sa Cannes France. Pero bakit hindi puwedeng ipamalas sa mamamayang Filipino?
Dahil ang mga batas sa sensura ay kultural. Mababa pa ang antas ng kamalayan ng mga pinoy sa usapin ng sex lalo na’t ang pananaw ay maiskandalo at konserbatibo. Bagama’t nakausad na ang makabagong pamumuhay, ang panlasa ng estado na nangangalaga sa kaayusan ng lipunan para umano sa interest ng mga bumubuo nito- o para sa naghaharing-uri na kumukontrol ng direksyon ng isip at puso ng bawat indibidwal. Pinaputulan ng Movie and Television Review and Classification Board ang pelikula na may mga katutul-tutol na eksena tulad ng pumping scene ni Coco Martin kay Mercedes Cabral, ang pagtsupa ni Julia Taylor kay Kristofer King at ang pagblow job ng isang tinaguriang serbis na lalaki sa isang matandang bakla. Kaya ngayon ay R- 18 na ang pelikula at mapapanood na sa ika – 25 ng Hunyo.
Gayunman, nanggagalaiti pa rin si Jowee Morel. “Sana naman ay pabigyan ng MTRCB ang mga artists. Hindi naman ibig sabihin na may mga sex scenes ay kailangan nang putulan o hindi na maipapalabas ang isang pelikula. “Kung may strong vision ang pelikula at may artistic merit, sana naman ay maging understanding ang censors. In that sense, uunlad ang pelikulang Pilipino.
“Gumagasto ang production para maka – achieve ng isang pelikula na may sense at logic kahit na sa paningin ng censors ay makakasira ito sa mga tao. Contextual dapat ang paningin sa mga eksena at hindi ‘yong hiwa-hiwalay na ibig sabihin,” paliwanag ni Jowee.
Naghahamon ang tono ni Morel. Lalabas na ang kanyang pelikulang “LATAK” at naghihintay na siya ng pasya ng MTRCB tungkol dito.
“Of course, gusto kong mapanood ng kapwa ko Filipino ang aking pelikula. Gusto kong i- share ang mga insights ko tungkol sa buhay. Ang “LATAK” ay tungkol sa drug withdrawal ng isang drug addicted young advertising director who is gay. ‘Yan, dito malalaman kung ano nga kaya ang stand ng censors sa ganitong presentation. But I made it a point na maging very open sa lahat ng audience,” sabi ni Jowee na naging kontrobersyal nang katayin ng MTRCB ang kanyang unang pelikula, “ Mga Paru-parong Rosas.” Bagamat na X ito ay nabili naman ng Videoflicks at naipalabas sa 2007 London International film festival sa UK.
Tampok sa pelikula sina Marc Jacob, Mercedes cabral, Zach Urdaneta, Chanel Latorre, Geraldine Tan, Pia Millado, Tia Pusit, Dan Alvaro, JJ Jimenez, sheena at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment